Public health emergency idineklara sa New York dahil sa measles outbreak
Nagdeklara si New York Mayor Bill de Blasio ng public health emergency matapos ang measles outbreak.
Sakop ng emergency warning ang ilang postcodes sa Brooklyn.
Lahat ng residente sa mga apektadong lugar ay pinayuhang magpabakuna at kung hindi, sila ay pagmumultahin.
Sa kautusan ng alkalde, ang mga residente sa apektadong lugar ay dapat magpabakuna sa loob ng 48 oras.
Sinabi ni Blasio na nais niyang maintindihan ng lahat kung gaano kaseryoso ang tigdas at gaano ito kabilis kumakalat.
Umabot na sa 285 ang kaso ng tigdas mula noong Seytembre kung saan 246 dito ay bata ayon kay New York health commissioner Oxiris Barbot.
Ito na ang itinuturing na pinakamalaking outbreak ng tigdas sa New York mula taong 1991.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Barbot na sa 285 na kaso, 21 ang naospital at lima ang dinala sa intensive care unit (ICU).
Noong Marso, ang Rockland County sa New York ay nagdeklara ng state of emergency dahil sa measles outbreak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.