9 arestado sa buy bust operation sa Makati

Contributed photo

Timbog ang siyam na indibidwal sa isinagawang buy bust operation ng Makati City Police sa Alagao St. Brgy. Comembo.

Ayon kay Makati City Police chief Pol. Lt. Col. Roger Simon, target ng operation si Pascual Flores at positibong nakabili ang police poseur buyer ng P300 halaga ng shabu sa mismong bahay nito.

Kasabay ng buy bust operation ay naaktuhang gumagamit ng shabu ang walong iba pa kabilang na ang anak at apo ni Flores.

Isa naman sa mga nahuli ay si Evangeline Grimpula na nagpakilalang confidential agent ng National Police Commission (NAPOLCOM) pero wala itong naipakitang katibayan.

Nakuha mula sa operasyon ang 53 sachet ng hinihinalang shabu, buy bust money, at samu’t saring drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...