LOOK: Holy Week 2019 schedule ng LRT-1

Naglabas na ng kanilang Holy Week schedule ang Light Rail Transit (LRT) -1.

Sa kanilang anunsyo araw ng Martes, ang biyahe sa April 15 hanggang 17 mula Roosevelt hanggang Baclaran ay mula alas-4:30 ng umaga hanggang alas-10:15 ng gabi.

Ang biyahe mula Baclaran hanggang Roosevelt naman ay magsisimula rin ng alas-4:30 ng umaga ngunit alas-10:00 ng gabi ang last trip.

Mula Huwebes Santo, April 18 hanggang Linggo ng Pagkabuhay April 21 ay walang operasyon ang LRT-1.

Magbabalik ang kanilang regular operating hours sa Lunes, April 22.

Nauna nang nag-anunsyo ang Metro Rail Transit (MRT) -3 na buong Holy Week silang walang operasyon o mula April 15 hanggang April 21.

Ito ay para isagawa ang kanilang annual general maintenance shutdown.

Read more...