Hot air balloon, nag emergency landing sa maisan sa Pangasinan
Nag-emergency landing ang isang hot air balloon sa isang maisan sa Pangasinan Martes ng umaga.
Ayon sa Alcala Police, sa Pamgpanga nag take off ang hot air balloon at kalaunan ay lumapag ito sa Barangay San Juan sa ilalim ng isang piloto na sinasabing dayuhan.
Sinabi ng piloto sa mga residente na dahil sa malakas na hangin ay napadpad ang balloon sa northward direction kaya napilitang mag emergency landing sa lugar.
Ayon kay Master Sergeant Marcos Bautista ng Alcala Police, 20 minuto matapos ang emergency landing ay sinundo ang piloto ng ilang kalalakihan na sakay ng 2 pick-up trucks.
Hindi malinaw kung saan sa Pampanga galing ang balloon pero noong April 5 hanggang 7 ay isinagawa sa bayan ng Lubao ang balloon festival.
Ang piloto ng balloon ay nagsasalita ng Tagalog at nagpaalam ito sa mga residente na lalapag sa maisan.
Tinulungan pa ng mga residente ang piloto na buhatin ang basket ng balloon at itupi ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.