Dapat kasing maitaas ang bilang ng running trains ng LRT-1 para sa 11.7 kilometrong Cavite extension na magdudugtong sa Baclaran at Bacoor.
Ayon kay Light Rail Manila Corporation (LRMC) President Juan Alfonso, nasa 41 hanggang 45 trains ang kakailanganin ng kanilang linya.
Mayroon din anyang paparating na mga bagong tren mula sa Japan kasabay ng bagong propulsion system na tama na para sa Cavite extension na inaasahang matatapos sa 2022.
Ang Voith Digital Solutions ang kinuha ng LRMC para sa pagpapalit ng mga makina ng mga 20 anyos ng tren ng LRT-1.
Aabot sa P450 milyon ang halaga ng pagpapalit ng makina na ayon kay Voith Digital Solutions project manager Andreas Winter ay magpapaganda sa reliability ng tren.
Ayon sa Voith, matatapos ang rehabilitasyon sa February 2020.
Sa 30 kabuuang train sets ng LRT 1, 12 dito ay nabili noong 1984 at kailangan nang palitan; 6 ay nabili noong 1998 at 11 ay nabili noong 2007.