“Philippines, Province of China” banner sa QC binaklas ng MMDA

By Rhommel Balasbas April 10, 2019 - 03:14 AM

Bong Nebrija photo

Isa na namang tarpaulin na may nakasulat na ‘Welcome to the Philippines, Province of China’ ang ipinaskil sa footbridge sa Quezon City araw ng Martes.

Ang pagkakadiskubre sa tarpaulin ay kasabay ng paggunita ng bansa sa ika-77 Araw ng Kagitingan.

Ayon kay MMDA traffic czar Bong Nebrija, namataan ng traffic enforcers ang tarpaulin bandang alas-2:30 ng hapon sa footbridge sa Quezon Avenue at hiningi ang kanyang permiso para baklasin ito.

Magugunitang noong July 2018 bumulaga sa publiko ang mga kahalintulad na tarpaulin sa iba’t ibang lokasyon sa Quezon City, Pasay City at Maynila.

Ayon kay Nebrija, hindi malinaw ang motibo ng mga taong naglagay ng panibagong tarpaulin pero posibleng nais lamang ng mga itong dungisan ang gobyerno.

Aalamin anya ng MMDA ang mga nasa likod ng pagpaskil ng tarpaulin ngunit wala anyang namataan sa kanilang closed-circuit television (CCTV) cameras.

Sinabi naman ni Nebrija na sa ngayon ay wala pang ibang napaulat na may nakapaskil na kahalintulad na tarpaulin sa ibang bahagi ng Metro Manila.

“We alerted all traffic enforcement district to monitor any kind of tarpaulins along the footbridges and roads in their area of responsibility. So far, no other have been reported,” ani Nebrija.

Hinimok naman ng opisyal ang publiko na baklasin ang mga tarpaulins dahil isa itong makabayang pananagutan at hindi lamang ng MMDA.

TAGS: cctv, footbridge, MMDA traffic czar Bong Nebrija, Province of China, Quezon Avenue, Tarpaulin, Welcome to the Philippines, cctv, footbridge, MMDA traffic czar Bong Nebrija, Province of China, Quezon Avenue, Tarpaulin, Welcome to the Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.