Pia Wurtzbach ibibigay ang lahat para sa Darna role

By Len Montaño April 10, 2019 - 03:04 AM

Handa si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na ibigay ang lahat para sa anyay “role of a lifetime” kung siya ang mapili na sunod na Darna.

Isa si Pia sa mga choices ng mga netizens na posibleng gumanap na Darna matapos umatras si Liza Soberano dahil sa injury sa kanyang daliri.

Nalungkot ang Pinay beauty queen na hindi natuloy si Liza sa kabila ng mga paghahanda nito.

Dahil iconic ang Darna role, flattered umano si Pia na isa siya sa mga gusto ng publiko na pumalit kay Liza.

Kung papalarin na siya ang mapili, walang gatol na sinabi ni Pia na tatanggapin niya ang role.

Tiniyak pa ng dalaga na magsasanay siyang mabuti, dadalo siya sa mga workshop at ibibigay niya ang lahat ng kanyang lakas para sa role.

Katunayan ay game si Pia na sumalang sa audition para sa pagpili sa sunod na Darna.

Dream role kay Pia ang gumanap na superhero pero sakaling hindi palarin na mapili ay magiging okay lang naman para sa kanya.

TAGS: 2015 Miss Universe, audition, Darna, ibibigay ang lahat, iconic, Liza Soberano, Pia Wurtzbach, role, role of a lifetime, workshop, 2015 Miss Universe, audition, Darna, ibibigay ang lahat, iconic, Liza Soberano, Pia Wurtzbach, role, role of a lifetime, workshop

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.