Duterte magtatalaga ng mas maraming miyembro ng militar sa kanyang administrasyon

Mas marami pang miyembro ng militar ang ilalagay sa mga posisyon sa gobyerno ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa talumpati sa Jolo, Sulu sa paggunita sa Araw ng Kagitingan, sinabi ni Duterte na hindi niya pinalalakas ang kanyang sarili sa pagtatalaga sa mga militar sa mga posisyon sa gobyerno.

“I’m sure you’d be surprised that most of the Cabinet members now are military guys. It’s not because I am up to something… Hindi ako sabihin na pinapalakas ko ang sarili ko sa military because I do not need that. The people elected me,” ayon sa presidente.

Giit ng pangulo, mas gusto niyang ilagay ang military men sa gobyerno dahil sa katapatan at kasipagan ng mga ito.

Dismayado si Duterte sa pagpalya ng ilang mga sistema sa gobyerno at talamak din ang korapsyon.

Anya pa, ang unang batch ng mga opisyal na itatalaga sa mga susunod na araw ay mula sa militar.

“But ako I have a special fondness for the military for being fundamentally honest at industrious. Ano lang ako sa bureaucracy because I have met several failures pati hindi mo mautusan nang matino. Puro corruption. Kaya as you would see, ‘yung unang — the next few officials coming in would be military guys,” ani Duterte.

Samantala, pinasalamatan naman ni Duterte ang kanyang mga appointees sa patuloy na pagtulong sa kanya para mapatakbo ang gobyerno.

Read more...