Mga Pilipino sa ibang bansa, pwede nang bumoto simula Sabado April 13
Aarangkada na sa Sabado April 13 ang isang buwang halalan para sa mga Pilipino na nasa ibang bansa sa ilalim ng overseas absentee voting kaugnay ng midterm elections sa Mayo.
Sa datos ng Commission on Elections (Comelec), mahigit 18 milyon ang overseas absentee voters sa iba’t ibang bansa.
Karamihan sa mga ito ay land-based OFWs na nasa 1.7 million habang ang iba ay sea-based Pinoy workers.
Pinakamaraming overseas absentee voters sa Middle East at mga bansa sa Africa, sunod sa Asia Pacific region, North at Latin America at Europe.
Sa ilalim ng Overseas Absentee Voting, maaaring bumoto ang mga OFW ng 12 senador at isang party-list group.
Ang botohan ng mga Pinoy abroad ay tatagal hanggang sa mismong araw ng halalan dito sa bansa sa May 13, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.