WATCH: Manny Pacquiao personal na sinasanay sa boksing ang anak na si Jimuel

Screengrab of Jinkee Pacquiao IG video

Sinimulan nang sanayin ni Sen. Manny Pacquiao ang anak nitong si Jimuel sa kabila ng una nitong pagtutol na pumasok ito sa boxing.

Nag post si Jinkee Paquiao ng video ng training session nina Manny at Jimuel at sinabi nito na naiyak siyang makita na nagboboksing ang kanyang mag-ama.

Sa video ay mapapanood na tinuturuan ng Pinoy boxing champ ang anak ng footwork, depensa at combination punches.

Hands-on ang pambansang kamao sa pagtrain sa anak at siya pa ang nag-ayos ng hand wrap nito.

Bagamat emosyunal ay proud naman si Jinkee na alam niyang magagawa ng anak ang mga gusto nito sa tulong ng Diyos.

Biniro naman ito ng Senador na mayroon na silang boxer kid sa katauhan ni Jimuel.

Kamakailan ay sumabak sa exhibition game si Jimuel at nagviral ang video nito kung saan pinatumba nito ang kanyang kalaban.

 

View this post on Instagram

 

Gatan-aw ko nila pero kahilakon nako kaayo. 😔😢Ang akong anak gusto gyud mag-boxing! Ang amahan niingon intawon nga ‘Babe, naa na gyud tay boxer” dili man gyud papugong! Oh, Lord, Your Will be done in my son’s life! I know he can do all things through You who strengthens him. 🙏❤️ To God be all the glory! @mannypacquiao #daddycoaching

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on Apr 8, 2019 at 7:18pm PDT

Read more...