Mister pinatay ang misis dahil sa selos sa Cebu

By Len Montaño April 09, 2019 - 11:11 PM

Benjie Talisic, CDND

Dahil sa umanoy pagkakaroon ng ibang lalaki ng kanyang asawa, pinatay ng isang 63 anyos na lolo ang misis nito sa pamamagitan ng pagbigti rito at pinalabas na nagpakamatay ang biktima.

Nakakulong na sa Guadalupe Police Station si Leonedis Roble matapos nitong aminin na pinatay niya ang misis na si Calixta, 59 anyos sa kanilang bahay sa Barangay Sapangdaku Lunes ng gabi.

Ayon kay Roble, isang linggo na niyang alam na may lalaki umano ang kanyang asawa.

Nakita mismo ng suspek ang misis na natutulog sa bahay ng umanoy lalaki nito.

Sinabi ng suspek na ginising muna niya ang misis saka niya ito binigti.

Nakita ng otoridad ang nakabigting katawan ng biktima pero nadiskubre kalaunan na hindi magkakapareho ang pahayag ng suspek ukol sa umanoy suicide ng misis.

Nakitang may foul play sa katawan ng biktima kaya inimbitahan ng pulisya si Roble at inamin nito ang krimen.

TAGS: cebu, foul play, Guadalupe Police Station, inamin, misis, mister, nagbigti, pinatay, selos, suicide, cebu, foul play, Guadalupe Police Station, inamin, misis, mister, nagbigti, pinatay, selos, suicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.