Fetus natagpuan sa basurahan sa Binondo

Isang fetus ang natagpuan sa basurahan sa Bindono, Manila Martes ng umaga.

Ayon sa pulisya, nadiskubre ang fetus sa kanto ng Tomas Mapua at Ongpin Streets alas 8:30 ng umaga.

Sinabi ni Ariel Galura, 30 anyos, gwardya sa kalapit na Blulane Hotel, may nakita siyang isang babae na may dalang disposable plastic bag sa lugar kung saan nakita ang fetus.

Nalaman kalaunan na ang bag ay naglalaman ng fetus na tinatayang nasa pagitan ng 4 hanggang 5 buwang gulang.

Patuloy ang imbestigasyon ng Manila Police District Homicide Section sa nakitang fetus at pagkakilanlan ng nag-iwan nito.

Read more...