Pagasa naglabas ng thunderstorm advisory sa Metro Manila at karatig na mga lugar

Sa gitna ng matinding init na umiiral sa bansa ngayon, nakaranas ng pag-uulan sa ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na mga lalawigan Martes ng gabi.

Sa Thunderstorm Advisory ng Pagasa inilabas alas 8:34 ng gabi, umiral ang malakas na ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Cavite at Bulacan.

Ayon sa Pagasa, ang thunderstorm ay tatagal ng hanggang 2 oras.

Partikular na nakaranas ng thunderstorm ang Laguna; Sampaloc, General Nakar at Real sa Quezon; Hermosa, Orani, Samal at Morong sa Bataan; Tanauan at Sto. Tomas sa Batangas at Jala-Jala, Pililla at Cardona sa Rizal.

Pinayuhan ng Pagasa ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat sa epekto ng thunderstorm.

Posible rin ang flash floods at landslides bunsod ng thunderstorm.

Read more...