Kakulangan ng trained lifeguards sa mga resort, ikinabahala ni Siao

Nagpahayag ng pagkabahala si Iligan Rep. Frederick Siao sa kakulangan ng mga trained lifeguard at first-aider sa mga beach resort.

Ito, ayon sa mambabatas ay kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga beach goer dahil sa mainit na panahon.

Dahil dito, isinusulong ni Siao ang House Bill 3495 o ang Drowning Prevention Act.

Sa ilalim nito, nais ng mambabatas na mapasama sa K to 12 curriculum ang pagtuturo sa mga bata ng paglalangoy.

Kalakip dito ang kaalaman ng mga nagbabantay sa hands-on cardiopulmonary resuscitation (CPR) dahil ito ay dapat isagawa agad-agad dahil mahalaga ang bawat segundong mawawala na naglalapit sa kamatayan.

Hinimok din ng mambabatas ang DILG, DOT at mga lokal na pamahalaan na obligahin ang mga may-ari ng pribadong resort at pampublikong mga beach na laging may nakatalagang trained lifeguard na handang magbigay ng first aide.

Sa report ng World Health Organization (WHO) na 372,000 kada taon ang namamatay sa buong mundo dahil sa pagkalunod.

Read more...