Apela ng Comelec sa mga kandidato: “Leave. Dogs. Alone.”
By Angellic Jordan April 09, 2019 - 04:16 PM
“Leave. Dogs. Alone.”
Ito ang apela ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez sa ilang kandidato sa darating na 2019 midterm elections.
Ito ay matapos mag-viral sa social media ang larawan ng isang aso kung saan dinikitan ng campaign sticker.
Sa Twitter, sinabi ni Jimenez na huwag idamay ang mga aso sa mga gimik ngayong campaign period.
Umani ng mga negatibong komento mula sa netizens ang umano’y akto ng animal cruelty.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.