Ito ay bunsod ng tumitinding tensyon at kaguluhan sa North African country.
Sa isang panayam, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na handa ang DOLE oras na makatanggap ng report mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Makikipag-ugnayan aniya ang kagawaran sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) oras na ipatupad ang total deployment ban sa Libya.
Ang pagdedeklara aniya ng Alert Level 3 ay nangangahulugan ng boluntaryong repatriation sa mga OFW sa naturang bansa.
Maaari aniyang tulungan ang sinumang OFW na nais umuwi ng Pilipinas.
Maliban sa libreng airline ticket, pagkakalooban din aniya ng mga OFW ng tulong pangkabuhayan at pinansyal.
Ipatutupad naman aniya ang forced evacuation sakaling itaas pa sa Alert Level 4 sa Libya.