DOLE, handang ipatupad ang deployment ban ng mga OFW sa Libya

By Angellic Jordan April 09, 2019 - 03:18 PM

Naghahanda na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pag-iimplementa ng deployment ban at pag-repatriate ng mga overseas Filipino worker sa Libya.

Ito ay bunsod ng tumitinding tensyon at kaguluhan sa North African country.

Sa isang panayam, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na handa ang DOLE oras na makatanggap ng report mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Makikipag-ugnayan aniya ang kagawaran sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) oras na ipatupad ang total deployment ban sa Libya.

Ang pagdedeklara aniya ng Alert Level 3 ay nangangahulugan ng boluntaryong repatriation sa mga OFW sa naturang bansa.

Maaari aniyang tulungan ang sinumang OFW na nais umuwi ng Pilipinas.

Maliban sa libreng airline ticket, pagkakalooban din aniya ng mga OFW ng tulong pangkabuhayan at pinansyal.

Ipatutupad naman aniya ang forced evacuation sakaling itaas pa sa Alert Level 4 sa Libya.

 

TAGS: Bello, deployment ban, DOLE, ofw, Bello, deployment ban, DOLE, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.