Dapat tularan ang katapangan ng mga bayani ng Bataan – Robredo
Sa pagdaraos ng Araw ng Kagitingan, hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang mga Filipino na tularan ang katapangan ng mga bayani ng Bataan noong 1942 sa paglaban sa maling gawain sa bansa.
Sa ribbon-cutting ceremony sa bagong view deck ng Mount Samat National Shrine, inihayag ni Robredo na sana maging inspirasyon ang mga bayani para labanan ang katiwalian sa bansa.
Ani Robredo, dapat labanan ang aniya’y mapang-abusong rehimen para bigyang-pagkilala ang kagitingan ng mga bayani para sa kasarinlan ng bansa.
Mahigit-kumulang 4,000 katao ang dumalo sa seremonya kabilang ang mga war vetenans at mga kaanak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.