Isa sa mga suspek sa Bulacan massacre, nagpakamatay sa istasyon ng pulisya

By Angellic Jordan April 09, 2019 - 01:48 PM

Patay ang isa sa mga suspek na responsable sa pagpatay sa mag-iina sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Sa ulat ng Bulacan Provincial Police Office, nagpakamatay umano si Joselito Cortez sa palikuran ng San Jose Del Monte police station.

Nakita umano ng kapwa-bilanggo ang katawan ni Cortez na nakasabit sa palikuran gamit ang electric wires na nakapulupot sa leeg nito, Martes ng umaga.

Iniulat ng bilanggo ang insidente sa mga jail guard at agad dinala si Cortez sa isang district hospital.

Sa ngayon, isasailalim ang katawan ni Cortez sa autopsy para malaman kung nagkaroon ng foul play sa insidente.

Sina Cortez at Wilson Nosal ang suspek sa pagpatay kina Jaymee Casabuena Biding at dalawang anak nito sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Kaypian noong April 3.

TAGS: Bulacan massacre, nagpakamatay, suspek, Bulacan massacre, nagpakamatay, suspek

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.