Batas sa eleksyon nais maamyendahan ni Sen. Koko Pimentel

By Jan Escosio April 09, 2019 - 12:55 PM

Radyo Inquirer File Photo

Upang magkaroon ng pantay na media access ang lahat ng mga partido pulitikal at kandidato sa halalan, nais ni Senator Koko Pimentel III na mabago ang isang probisyon sa Fair Elections Act.

Sa inihain niyang Senate Bill No. 1991, gusto ni Pimentel na maamyendahan ang Section 6 ng naturang batas.

Katwiran ni Pimentel, chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, sa batas ngayon, napapaboran ang mga kandidato na may pambabayad para sa kanilang campaign ads sa telebisyon at radyo at nagiging dehado ang mga mahihirap ngunit kwalipikadong kandidato.

Sa kanyang isinusulong na Equitable Media Access for Electoral Candidates Act, gusto ni Pimentel na magkaroon ng pinagmasamang limitasyon na 80 minutong advertisements sa TV at 120 minuto sa radyo ang mga kandidato at partido, binili man nila ang oras o donasyon sa kanila.

Samantala, lilimitahan naman sa 60 minutes TV advertisement at 90 minutes radio advertisements ang para sa mga lokal na kandidato at partido.

TAGS: amyenda, Batas sa eleksyon, pantay na media access, Sen. Koko Pimentel, Senate Bill No. 1991, amyenda, Batas sa eleksyon, pantay na media access, Sen. Koko Pimentel, Senate Bill No. 1991

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.