Mga tauhan ng BI sa mga paliparan at daungan naka-heightened alert na

By Ricky Brozas April 09, 2019 - 12:47 PM

Isinailalim na ng Bureau of Immigration sa heightened alert ang lahat ng tauhan nito sa lahat ng international airports at seaports sa bansa kasabay ng inaasahan ng pagdagsa ng ating mga kababayang magbabakasyon ngayong Semana Santa.

Iniutos na ni BI Commissioner Jaime Morente ang pagdedeploy ng mahigit sa 50 immigration officers nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang karagdagang tauhan na ipupwesto sa mga Immigration counters sa arrival at departure areas.

“I have also directed our Port Operations Division (POD) to implement stricter measures in screening all arriving and departing passengers and to ensure that enough manpower are available in our airports to service the needs of the traveling public,” ayon kay Morente.

Pinatitiyak din ng immigration sa kanilang Port Operations Division ang mas mahigpit na screening sa lahat ng parating at paalis na mga pasahero.

Ayon kay BI POD Chief Grifton Medina, nag-isyu na sila ng memorandum sa kanilang mga tauhan na nagbabawal sa lahat ng Immigration airport personnel, gayundin sa mga terminal heads at duty supervisors, na lumiban sa trabaho mula ngayon hanggang sa April 22.

Tanging ang mga tunay na emergency situation ng BI personnel ang papahintulutang mag-leave sa itinakdang 10 day period.

Tiniyak ng Bureau of Immigration na gagawin nito ang lahat para mapigilan ang anumang tangkang pagpuslit sa bansa ng mga sindikato na maaring magsamantala ngayong holiday season.

TAGS: BI Commissioner Jaime Morente, mahigit sa 50 immigration officers, Ninoy Aquino International Airport, BI Commissioner Jaime Morente, mahigit sa 50 immigration officers, Ninoy Aquino International Airport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.