Dating CJ Sereno, PCIJ, pinaghahain ng kaso sa pagkwestyon sa SAL-N ni Pangulong Duterte
Maghain na lamang kayo ng kaso.
Ito ang naging bwelta ng Malakanyang sa pagkwestyon ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Philippine Center for Investigative Journalism sa statement of assets, liabilities and networth ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung sa paniwala ni Sereno at PCIJ na ill-gotten wealth ang pag-angat ng yaman ng pangulo, dapat ng dumulog sa korte para maghain ng kaso.
Paliwanag ni Panelo na malinaw na nakasaad sa batas na niri-require ang lahat ng public officials na magsumite ng kani kanilang SALN.
Pero hindi aniya nakasaad sa batas na nire-require ang mga public officials na magpaliwanag kung bakit tumaas ang kanilang yaman kung meron man.
Una rito, kinukwestyon ng PCIJ ang SALN ng pangulo dahil hindi raw tugma sa kinikita ng isang public officials ang kanyang yaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.