ROTC susubukan muna sa 100 paaralan – Sen. Gatchalian

By Jan Escosio April 09, 2019 - 12:15 PM

Dahil wala pang batas, malabong maipatupad pa ngayon taon ang pagkakaroon ng mandatory Reserve Officers Training Course o ROTC sa mga paaralan.

Ito ang sinabi ni Sen. Win Gatchalian ngunit aniya magtatalaga ng 100 pilot schools sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan unang susubukan ang pagkakaroon ng mandatory ROTC.

Aniya sa ganitong paraan ay malalaman din ang mga isyu na maaring umusbong sa pagpapatupad ng basic military training sa mga paraalan.

Paglilinaw pa ng senador sa 100 pilot schools lang magiging mandatory ang ROTC at talagang aniya na kakailangin ng batas kung ito ay gagawing institutional dahil mangangailangan din ito ng pondo.

Kung sakali ay ipapatupad ang ROTC sa 11 libong eskuwelahan, sa mga senior high school students.

TAGS: Mandatory ROTC, Radyo Inquirer, rotc, senator gatchalian, Mandatory ROTC, Radyo Inquirer, rotc, senator gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.