Mga nakumpiskang kontrabando sa Manila City Jail, dinurog

FILE PHOTO
Daan-daang mobile phones, sigarilyo, marijuana ang sinira ngayon ng pamunuan ng Manila City Jail.

Ang pagsira sa mga nakumpiskang gamit at iba pang pinagbabawal sa loob ng piitan ay alinsunod sa pinalabas na Manila City Jail Resolution 012015.

Ayon kay MCJ Spokesman Senior Inspector Jayrex Bustinera, sa 303 na cellphone ay 47 ang touch screen, may apat na smart watches, 489 na bricks ng tabako, 6511 na binilot na sticks ng tabako at 5,920 na sticks ng marlboro.

Sabi ni Bustinera, binebenta ng 80 pesos ang bawat stick ng sigarilyo na ipinupuslit sa pamamagitan ng mga dalaw.

Mqyroon aniyang isang lalaking empleyado ng jail na nagpuslit ng rim ng Marlboro ngunit kanilang natuklasan, ang nasabing kawani ay dinismis na.

Ang mga nasamsam na kontrabando ay naipon ng MCJ sa loob ng isang taon.

Samantala, sinabi ni Bustinera na tuluy-tuloy ang drug dependency examination and rehabilitation ng mga inmate.

Read more...