3 bayan at lungsod sa Western Visayas, nasa election areas of concern

By Jimmy Tamayo April 09, 2019 - 11:44 AM

Tinukoy ng Philippine National Police (PNP) ang 43 bayan at syudad sa Western Visayas bilang election areas of concern.

Nadagdag sa listahan ang bayan ng Moises Padilla sa Negros Occidental kasunod ng pamamaslang kay Sangguniang Bayan member Jolomar Hilario noong nakaraang lingo.

Inilagay sa category red ng Police regional office ang bayan ng Lemery, Calinog, Maasin at ang Moises Padilla.

Itinuturing na category red ang isang lugar kung mayroon itong “history” ng karahasan, matinding sigalot sa pulitika at banta ng armadong grupo.

Nasa ilalim naman ng category orange o nasa immediate concern ang bayan ng Culasi, Hamtic, Sebaste, Sibalom, Valderama at San Remigio sa Antique; Tapaz, Maayon at Cuartero sa Capiz; San Joaquin, Miag-ao, Tubungan, Igbaras, Alimodian, Janiuay, Lambunao, Leon at Bingawan sa Iloilo, at ang Toboso, Himamaylan, Isabela, Hinobaan at Kabankalan City sa Negros Occidental.

Nasa yellow category o areas of concern ang mga bayan ng New Lucena, Sara, San Dionisio at Estancia sa Iloilo, Calatrava, Don Salvador Benedicto, Escalante, EB Magalona, Silay City, Cagayan, Binalbagan, Hinigaran, La Castellana, Candoni, Ilog at Sipalag City sa Negros Occidental.

Samantala, pinaaalis naman ng Commission on Election sa listahan ang mga bayan ng Mambusao sa Capiz at ang syudad ng Victorias sa Negros Occidental at Bingawan sa Iloilo.

TAGS: comelec, Radyo Inquirer, western visayas, comelec, Radyo Inquirer, western visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.