Pagboto hindi dapat ipagwalang-bahala ayon kay Cardinal Tagle

By Ricky Brozas April 09, 2019 - 11:40 AM

(CDN FILE PHOTO/CHOY ROMANO)
Hindi maaaring kung sino na lang ang iboboto sa darating na Mayo 13, araw ng halalan para sa senatorial at lokal na opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, hindi maaari “ang bahala na” sa mga magiging pinuno ng pamahalaan.

Ito ang paalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga kabataan kaugnay special election ng Simbahan na may temang ‘Godly Vote’.

Ayon kay Cardinal Tagle, sa kabila ng limitasyon ng kumikilatis at kinikilatis ay hindi dapat mauwi sa hindi pagboto at kailangan na may pagpapakumbaba.

Paalala ng Cardinal, mahirap naman huwag nalang” kung sino nalang kasi minsan ay ganon ang nagiging attitude ng mga botante.

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang pagboto ay kalayaan at kakayahan ng bawat isa subalit dapat itong ibatay sa pamamagitan ng pagkilala sa katotohanan, karapat-dapat at ayon sa konsensya na makakatulong sa bansa.

TAGS: Church, elections, may 2019, midterm elections, Church, elections, may 2019, midterm elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.