Ilang probisyon sa Motorcycle Crime Prevention Act pinaluluwagan sa Kamara
Hinikayat ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy sa Mababang Kapulungan na luwagan ang ilang mga probisyon sa Motorcycle Crime Prevention Act.
Ayon kay Herrera-Dy, maaaring maghain ng joint resolution sa Kongreso para magsilbing batayan ng Land Transportation Office (LTO) para luwagan at alisin ang ilang mga striktong probisyon sa batas matapos na ipasuspinde ito ng Pangulo.
Nauna nang umani ng pagtutol sa mga motorcycle communities ang mas malaki at dobleng plakang ilalagay sa motorsiklo at ang mataas na multa sa mga susuway sa batas.
Mainam na luwagan ang ilan sa probisyon ng batas upang magtuluy-tuloy ang pagpapatupad nito.
Inirekomenda din ng kongresista sa LTO na makipagtulungan sa PNP na magpatupad ng online at electronic reporting system kung saan may access ang publiko para sa mga ninakaw na motorsiklo at sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.