WATCH: QCPD at iba pang ahensya nagsagawa ng bomb disposal simulation
Nagsagawa ng simulation ng bomb disposal ang Quezon City Police District (QCPD) at iba pang lokal na ahensya sa lungsod.
Isinagawa ang aktibidad sa food park sa Cubao, Quezon City bilang pagsasanay sa pagresponde ng mga otoridad kapag may naganap na pagsabog.
Sa isinagawang simulation ng QCPD, QC Fire Bureau, local Disaster Risk Reduction and Management Office, at health organizations, ipinakita ang aksyon sakaling magkaroon ng pagpapabog ng bomba ang mga terorista.
Sa simulation, nagkaroon din ng detonation ng kunwari ay ikalawang improvised explosive device na dapat ay pasasabugin din ng mga terorista gaya ng nangyari sa Jolo Cathedral.
Ang simulation ay bilang pagtugon sa kautusan ni PNP Chief General Oscar Albayalde na tiyaking ligtas ang lahat ng lugar na magiging matao ngayong summer at sa paggunita ng Holy Week.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.