Confidentiality sa imbestigasyon sa mga hukom na nasa narco-list tiniyak ng SC

By Dona Dominguez-Cargullo April 09, 2019 - 08:57 AM

Hindi mamadaliin ng Korte Suprema ang imbestigasyon nito sa mga hukom na sinasabing sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin, mabigat ang akusasyon kaya magiging masusi ang imbestgasyon dito ng mataas na hukuman.

Noong nakaraang linggo ay itinalaga si Associate Justice Diosdado Peralta para makipag-ugnayan sa PDEA.

Sinabi ni Bersamin na hindi naman maaring basta-basta maglabas ng pagkondena ang SC sa mga mahistradong sangkot nang walang sapat at matibay na basehan.

Mananatili din ayon kay Bersamin na confidential ang proseso ngimbestigasyon laban sa mga hukom.

TAGS: narco list, PDEA, Radyo Inquirer, Supreme Court, War on drugs, narco list, PDEA, Radyo Inquirer, Supreme Court, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.