LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, Apr. 9

By Dona Dominguez-Cargullo April 09, 2019 - 08:15 AM

Walang nabawas sa antas ng tubig sa La Mesa dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa update mula sa Hydrology Division ng PAGASA, alas 6:00 ngayong umaga, nananatili sa 68.48 meters ang water level ng La Mesa dam na pareho ng antas ng tubig nito kahapon.

Ang Angat Dam naman ay nasa 189.04 meters ang water level ngayong umaga, mas bumaba kumpara sa 189.52 meters kahapon.

Nabawasan din ang water level sa iba pang mga dam sa Luzon.

Kabilang dito ang Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.

TAGS: dam status, Pagasa, Radyo Inquirer, water level, weather, dam status, Pagasa, Radyo Inquirer, water level, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.