Lahat ng sinehan ng SM sa buong bansa, Avengers: Endgame lang ang ipalalabas sa loob ng 4 na araw

By Dona Dominguez-Cargullo April 09, 2019 - 07:54 AM

Sa loob ng apat na magkakasunod na araw, puro Avengers: Endgame lang ang mapanood sa lahat ng 333 cinemas ng SM.

Sa abiso ng SM, sa 333 cinemas na nasa 64 branches nila sa buong bansa, Avengers; Endgame lang ang mapapanood na pelikula mula April 24 hanggang April 28.

Ayon pa sa pahayag ng SM, ang iba nilang mall ay magkakaroon ng screening mula alas 6:00 pa lang ng umaga sa April 24 na unang araw ng showing ng pelikula sa bansa.

Katunayan sa SM Aura sa BGC, Taguig at sa SM Mall of Asia ay 24-oras na bukas an sinehan para sa non-stop screenings ng Endgame sa loob ng apat na araw.

Bagaman mahigit 2 linggo pa bago ang showing ng Endgame ay maraming cinema tickets na ang sold out.

TAGS: Avengers, Avengers: Endgame, SM Cinema, SM Cinemas Nationwide, Avengers, Avengers: Endgame, SM Cinema, SM Cinemas Nationwide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.