Kandidato bilang kongresista sa Albay hiniling sa Comelec na ma-disqualify
Naghain ng disqualification case sa Commission on Elections (COMELEC) ang isa sa tumatakbong kongresista sa ikatlong distrito ng Albay laban sa isa pang kumakandidato sa pagka-kinatawan ng nabanggit na distrito.
Nakasaad sa complaint affidavit na inihain ni Elmer Felix Manlangit Pornel, kandidato sa pagka-kongresista ng Hugpong ng Pagbabago sa ikatlong distrito ng Albay na hindi tumalima si Fernando “Didi” Cabredo ng residency requirement na itinatakda ng Omnibus election code para sa mga tumatakbo sa pagka-kongresista.
Batay sa Omnibus election code Of the Philippines, dapat ay registered voter sa distrito na kanyang tinatakbuhan at naging residente ng hindi bababa sa isang taon ang sinuman na tumatakbo sa pagka-kongresista.
Ipinunto ni Pornel na noon lamang July 3,2018 nagparehistro si Cabredo bilang botante sa Ligao City na sakop ng ikatlong distrito ng Albay, subalit pagsapit ng Oktubre 27,2018 ay naghain ito ng kandidatura sa pagka-kongresista.
Malinaw aniya na hindi pa kwalipikado si Cabredo na kumandidato bilang kongresista sa naturang distrito.
Ang ginawa aniya ni Cabredo ay isang uri ng paghamak sa institusyon ng gobyerno katulad ng COMELEC dahil sa “false Information” nito sa kanyang inihaing Certificate Of Candidacy.
Maliban dito sinabi ni Pornel na mistulang nilinlang din ni Cabredo ang mga botante sa Albay.
Aniya, hindi karapat-dapat na manilbihan ang isang aspirante sa posisyon sa gobyerno kung sa simpleng COC ay nagsisisinungaling na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.