Lalaki arestado sa kasong rape at sextortion

By Dona Dominguez-Cargullo April 09, 2019 - 06:45 AM

Kasong rape at sextortion ang kinakaharap ng isang lalaki matapos na pagbantaan ang kaniyang girlfriend na ipakakalat ang mga larawan nito kung hindi siya bibigyan ng pera.

Huli sa ikinasang entrapment operation sa Marilao, Bulacan ang suspek na si Christopher Natividad.

Ayon sa biktima, pinilit siyang makipagtalik ng suspek.

Kinuhanan umano sya nito ng video at litrato ng palihim habang wala syang suot na damit.

Ang nasabing mga larawan ang ginamit ng suspek para ipantakot sa babae.

Hiningan nito ng P12,000 ang babae kapalit ng hindi pagpapakalat ng mga larawan.

Doon na nagsumbong ang biktima sa mga otoridad na agad nagkasa ng operasyon laban sa suspek.

TAGS: arrested, Bulacan, rape, sextortion, arrested, Bulacan, rape, sextortion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.