Easterlies nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa

By Rhommel Balasbas April 09, 2019 - 04:44 AM

Patuloy na makararanas ng mainit at maalinsangang panahon ang halos buong bansa ngayong araw.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, easterlies pa rin ang umiiral sa Central at Southern Luzon at eastern sections ng Visayas at Mindanao.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Quezon, Bicol Region, eastern at Central Visayas at buong Mindanao.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ay posibleng makararanas lang ng biglaang buhos ng ulan partikular sa hapon o gabi.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Ezra Bulquerin, wala namang inaasahang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.

TAGS: biglang buhos ng ulan, buong bansa, easterlies, LPA, Pagasa, sama ng panahon, biglang buhos ng ulan, buong bansa, easterlies, LPA, Pagasa, sama ng panahon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.