3 Russian warships nasa bansa para sa 5 araw na goodwill visit
Dumaong sa bansa ang tatlong malalaking barkong pandigma ng Russian Pacific Fleet para sa limang araw na goodwill visit.
Ang Admiral Tributs at Vinogradov na parehong large anti-submarine ships at ang large sea tanker na Irkut ay dumating sa Manila South Harbor araw ng Lunes.
Sinalubong ng crew ng BRP Ramon Alcaraz (PS16) ng Philippine Navy sa bisinidad ng Corregidor Island ang mga barko.
Sa pangunguna ni Capt. Constancio Arturo Reyes Jr., isang welcome ceremony ang idinaos.
Ayon kay Navy spokesman Capt. Jonathan Zata, magsasagawa ng confidence-building activities sa susunod na limang araw sa pagitan ng Philippine at Russian Navies.
Kabilang sa mga aktibidad ay ang live firing demonstrations at search and seizure exercise.
Sinabi ni Zata na ang pagbisita ng mga barko ng Russian Pacific Fleet ay patunay ng commitment ng Philippine Navy na maitaguyod ang naval diplomacy at camaraderie sa mga hukbong pandagat ng ibang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.