PCG inilagay na sa heightened alert para sa Semana Santa

Inilagay na sa heightened-alert ang lahat ng units ng Philippine Coast Guard (PCG) sa buong bansa para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan para sa Semana Santa.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Elson Hermogino, titiyakin ang seguridad sa lahat ng pantalan at ferry terminals.

Mahigpit din anyang babantayan ang sikat na tourists destinations tulad ng Palawan, Boracay, Bohol at Cebu.

Bukod dito, sisiguruhin din na hindi lalampas sa kapasidad ng mga barko ang mga pasahero upang maiwasan ang overloading.

Bilang bahagi ng mga paghahanda ay nagdeploy na ng K9 teams, special operations forces, harbor patrols, at ship inspectors sa mga pantalan para sa inspeksyon.

Ayon kay Hermogino, sa mga kaso ng maritime emergencies ay handa ang lahat ng PCG personnel at rereponsde ang Emergency Response Teams sa mga insidente.

Magsisimula na ang Semana Santa sa Linggo ng Palaspas, April 14 at magtatapos sa Linggo ng Pagkabuhay, April 21.

Read more...