Maynilad pinasinayaan ang Putatan Water Treatment Plant
Pinasinayaan ng Maynilad Water Services Inc., araw ng Lunes ang Putatan Water Treatment Plant na layong makatulong upang tugunan ang tumataas na demand sa tubig ng Metro Manila at Cavite.
Mula sa Laguna de Bay ang tubig na lilinisin ng bagong treatment plant upang maging ligtas itong inumin ng mga residente.
Ayon sa Maynilad, kayang maglabas ng Putatan Water Treatment plant ng 100 milyong litro ng tubig kada araw na mapakikinabangan ng kanilang isang milyong customer.
Gamit ang makabagong teknolohiya tulad ng large-scale ultrafiltration at reverse osmosis, ang kulay-lupa at mabulang tubig sa Laguna de Bay ay nalilinis ng treatment plant.
Ayon naman kay Laguna Lake Development Authority (LLDA) assistant manager Gener Dungo, titiyakin na mababantayan ang iba’t ibang industriya sa paligid ng Laguna Lake.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng kalidad ng tubig sa lawa dahil ang residential at commercial establishments sa paligid nito ay diretsong nagtatapon ng dumi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.