Heart Evangelista lalalabas sa isang international action movie

Katwiran ngayon ng aktres na si Heart Evangelista na “you only live once” kaya nagdesisyon itong tanggapin ang alok na lumabas sa isang action movie.

Ibinunyag ni Heart na kaya siya nasa China sa unang bahagi ng taon ay para sa naturang offer at hindi ang napaulat na lalabas siya sa sequel ng “Crazy Rich Asians.”

Nagulat din umano ang aktres sa kanyang sarili nang tanggapin ang international action film.

Sa ngayon ay hindi alam ni Heart kung ipapalabas ang action movie sa Pilipinas.

Wala pang nagawang action project si Heart kaya aminado itong naging mahirap at nakakapagod ang naturang karanasan.

Inalala nito na kailangan niyang gumising ng alas 4:00 ng umaga para mag ehersisyo habang ginagawa ang pelikula.

Aminado rin ang misis ni Sen. Chiz Escudero na dahil sa naturang project ay nadelay ang plano nila ng asawa na magka-baby.

Pero ayon sa aktres, minsan lang may dumating na opportunity kaya nagdesisyon sila na gawin muna ang kailangang gawin pagkatapos ay susubukan uli nilang magla-anak.

Read more...