Castro pinangunahan ang panalo ng TNT vs SMB; serye may ‘do or die’ Game 3

Nalampasan ng TNT ang bagsik ng San Miguel Beer nang talunin nila ang koponan sa Game 2 ng kanilang quarterfinals series sa 2019 PBA Philippine Cup sa score na 93-88.

Sa huling limang minuto ng laro ay pinangunahan ni Jayson Castro ang panalo ng TNT sa ginawa nitong 19 points at 9 na assists.

Pero ayaw pakampante ni Coach Bong Ravena dahil natabla pa lang nila ang serye kaya umaasa ito na mas gaganda pa ang laro ng kanyang players sa susunod na “do or die” Game 3.

Sa panig naman ng Beermen ay nanguna sina June Mar Fajardo na may 26 points at Christian Standhardinger na gumawa ng 18 points.

Ang panalo ng TNT ay nagsilbing double “do or die” showcase matapos na matabla rin ang best of 3 series sa pagitan ng Ginebra at Magnolia.

Read more...