Isa si Secret Service director Randolph Alles sa ilang opisyal ng Department of Homeland Security (DHS) na nagbitiw sa kanilang pwesto sa administrasyon ni US Pres. Donald Trump.
Ang pag-alis ni Alles ay kasunod ng pagbibitiw ni DHS Secretary Kirstjen Nielsen sa gitna ng pressure sa sitwasyon sa US-Mexico border.
Mula 2017 ay ilang opisyal na ni Trump ang bumaba sa pwesto.
Matatandaan na ilang beses inakusahan ni Trump ang boss ni Alles na si Nielsen ng pagiging malambot sa pagpapatupad ng border security.
Pero lumabas sa ilang ulat na hindi umalis kundi tinanggal umano ni Trump si Alles.
Sampung araw na umano ang nakalipas nang paalisin ni Trump si Alles sa kanyang pwesto.
MOST READ
LATEST STORIES