Palasyo umaasang mas maraming Filipino ang magtitiwala sa China

By Rhommel Balasbas April 09, 2019 - 02:47 AM

Tinawag ng Palasyo ng Malacañang na ‘political propaganda’ ang isang survey ng Social Weather Stations (SWS) tungkol sa pananaw ng mga Filipino sa intensyon ng China sa Pilipinas.

Sa survey ng SWS noong December 2018, lumabas na 44 percent ng mga Pinoy ang hindi naniniwalang ang mga gustong mangyari ng China para sa Pilipinas ay makabubuti sa mga Filipino.

Umaasa si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na lalambot ang mga Filipino sa China sakaling magkaroon na ng epekto sa ekonomiya ang gumandang pagkakaibigan ng China at Pilipinas.

“We are seeing that there would be a change of hearts and minds from those undecided and even those who disagree – whom we believe are used to the United States as our long-standing ally, once our enhanced ties with China start to yield positive economic results,” ani Panelo.

Naniniwala rin si Panelo na ang resulta ng survey ay nagpapakita lamang ng pagiging desperado ng mga kritiko na gamitin ang kanilang anti-China na mga pananaw laban sa administrasyong Duterte.

Inilabas ang resulta ng survey sa gitna ng mga isyu tulad ng pagdami ng Chinese workers sa bansa, militarisasyon sa South China Sea at loan agreements ng Duterte administration sa China.

TAGS: China, chinese workers, intensyon, lalambot, loan agreements, magtitiwala, militarisasyon, political propaganda, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, South China Sea, sws survey, China, chinese workers, intensyon, lalambot, loan agreements, magtitiwala, militarisasyon, political propaganda, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, South China Sea, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.