Inutos ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang suspensyon sa loob ng 90 araw ng ilang opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration na umanoy nangikil ng P9.3 milyon mula sa 15 Korean nationals.
Pinasususpinde ni Guevarra ang ilang kawani ng BI kasunod ng pagsusuri sa reklamo ng mga biktimang Koreano.
Ang inireklamong mga opisyal at empleyado ng ahensya ay binigyan ng 72 araw para sagutin ang akusasyon laban sa kanila.
Sa reklamo ng isang Chang Hoon Han, hiningan umano siya at 4 pang Koreano ng P20 milyon para hindi sila ma-deport.
March 6 nang hulihin ng Immigration agents ang mga dayuhan at napilitan ang mga ito na magbigay ng pera dahil sa takot na makulong.
Samantala, sinuri na rin ng DOJ ang aksyon laban sa mga job order contractor na dawit sa extortion.