1,000 pulis ipakakalat para sa paggunita sa Araw ng Kagitingan
Nasa 1,000 pulis mula sa Police Regional Office-3 (Central Luzon) ang ipakakalat para magbigay seguridad sa mga events sa Bataan at Tarlac kaugnay ng paggunita sa ika-77 Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans’ Week.
Ayon kay PRO-3 director Brig. Gen Joel Napoleon Coronel, manggagaling sa provincial at city police offices sa buong rehiyon ang mga pulis at mula sa Regional Safety Mobile Battalion.
“They will be deployed to provide security coverage during the events in Bataan and Tarlac,” ani Coronel.
Ayon sa police official, primary concern ang seguridad at kaligtasan nina Vice President Leni Robredo, mga delegado at iba pang mga personalidad sa commemoration rites.
Bahagi rin ng security measure ang walang tigil na presensya ng pulisya para sa mga guests at turistang nasa bakasyon.
Kadalasang nagbibigay ng talumpati ang matataas na opisyal ng gobyerno kabilang ang presidente sa araw na ito.
Mayroon ding wreath laying ceremony sa Libingan ng mga Bayani at Mt. Samat sa Bataan para bigyang-pugay ang mga war veterans.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.