Oil price hike epektibo na

By Rhommel Balasbas April 09, 2019 - 12:23 AM

Epektibo na ngayong araw ang panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng lahat ng kumpanya ng langis, may dagdag na P0.25 kada litro ang presyo ng gasolina habang P0.20 kada litro sa diesel.

Ang Seaoil, Caltex, Flying V, Shell at Petron ay may P0.10 bawat litro ring dagdag sa kanilang kerosene o gaas.

Simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi epektibo na ang price increase ng Caltex na susundan ng lahat ng kumpanya mamayang alas-6:00 ng umaga.

Ang taas-presyo ay bunsod ng mataas na halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.

TAGS: diesel, epektibo na, gaas, gasolina, kerosene, ngayong araw, oil price hike, diesel, epektibo na, gaas, gasolina, kerosene, ngayong araw, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.