Mga katunggali ng pambato ng administrasyon, pinasaringan ni PNoy

By Dona Dominguez-Cargullo, Nikko Dizon December 04, 2015 - 08:24 AM

Photo from Nikko Dizon/PDI
Photo from Nikko Dizon/PDI

Sa kaniyang pagharap sa mahigit 500 miyembro ng Filipino Community sa Rome, Italy, pinayuhan ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga Pinoy na maging maingat sa pipiliin at ihahalal na kandidato sa 2016 elections.

Bagaman walang binanggit na pangalan, isa-isa ring nakatikim ng pasaring mula sa Pangulo ang mga katunggali ni Administration bet Mar Roxas.

Unang binanggit ng Pangulong Aquino na may isang kandidato na inaakusahan sa kaniyang pagiging corrupt at nangangakong ‘gaganda ang buhay’ kapag siya ay nahalal.

Si Vice President Jejomar Binay ang gumagamit ng slogan na “Kay Binay, gaganda ang buhay’.

Maging si Senator Grace Poe, ay hindi rin nakaligtas sa banat ni PNoy. Ayon sa Pangulo, may isa pang kandidato na nangangakong hihigitan pa ang nagawa ng kasalukuyang administrasyon, pero hindi nito maipakita kung paano niya iyon gagawin. “Akala yata nya kapag sya ay nahalal, gigising na lang s’ya sa isang bagong umaga,” ayon ksa Pangulng Aquino.

Sa pagpapatuloy ng kaniyang talumpati, sinabi ng Pangulo na may isa pang kandidato ang nagsabing mangangampanya siya gamit ang social media. Mukhang hindi umano aniya alam ng nasabing kandidato na ang pagpapagawa ng kalsada at iba pang programa ng pamahalaan ay hindi pwedeng maisakatuparan gamit ang faceboook.

Sunod na banat ni PNoy ay binanggit nito ang isang presidential candidate na nagbabanta aniyang pumatay ng maraming tao.

Pero hindi natapos sa mga presidential candidate ang banat ng Pangulo. Sa huli, may binanggit siyang vice presidential candidate na nangangako aniyang pagsisilbihan ang mga tao pero hanggang ngayon ay hindi nito inaako ang mga kasalanan sa nagdaang panahon.

Umabot sa mahigit kalahating oras ang speech ng pangulo.

Nagtataka naman ang ilan sa mga Filipino community na dumalo sa nasabing event dahil walang binanggit si Pangulong Aquino na kahit anong tungkol sa mga OFWs.

TAGS: PNoy meets Filipino Community in Rome, PNoy meets Filipino Community in Rome

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.