Magkapatid na Arquillano nakakulong na sa Danao City Jail
Nakakulong na sa Danao City Jail ang arestadong magkapatid na si San Francisco Mayor Aly Arquillano at Vice Mayor Alfredo Arquillano matapos silang mahulihan ng mga baril at pampasabog.
Ayon kay Retired Judge Meinrado Paredes, abogado ng magkapatid, pinagbigyan ng korte ang kanilang petition for confinement sa Danao City Jail na pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ang magkapatid na opisyal ay kinasuhan ng illegal possession of firearms at illegal possession of explosives sa Regional Trial Court sa Danao City Lunes ng umaga.
Ang naturang matataas na opisyal ng San Francisco sa Camotes Island sa hilagang bahagi ng Cebu ay inaresto ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) noong April 4.
Ito ay matapos ang raid sa kanilang bahay kung saan nadiskubre ang ilang baril at hand grenade.
Si Mayor Arquillano ay tumatakbong vice mayor habang ang kapatid nitong si Vice Mayor Arquillano ay kandidato naman bilang mayor sa eleksyon sa Mayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.