P4M halaga ng shabu nakumpiska sa binatilyo sa Cebu City

By Len Montaño April 08, 2019 - 10:20 PM

Benjie Talisic, CDND

Tinatayang P4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa isang 16 anyos na lalaki sa C. Padilla Street sa Barangay Duljo sa Cebu City.

Ito ay matapos ang operasyon kontra iligal na droga ng pulisya Lunes ng gabi.

Isinagawa ng mga miyembro ng Police Drug Enforcement Group Visayas (DEG Visayas) ang operasyon.

Pinangunahan ni Police Lt. Col. Glenn Mayam, Drug Enforcement Group Visayas chief, ang joint operation kasama ang mga pulis ng Mambaling Police Precinct.

Ayon sa binatilyo, isa lamang siyang drug courier ng 600 grams ng shabu.

Iniwan lamang umano ito sa kanya ni Raven Donza, isang drug suspect na naaresto noong nakaraang buwan dahil sa 50 kilos o tinatayang P30 million na halaga ng shabu.

Dinala sa Operation Second Chance ang suspek kung saan susuriin ng mga social worker kung may discernment o alam na ng binatilyo ang ginawa nitong krimen.

TAGS: 16 anyos, Barangay Duljo, binatilyo, Cebu City, menor de edad, P4M halaga ng shabu, Police Drug Enforcement Group Visayas, social welfare office, 16 anyos, Barangay Duljo, binatilyo, Cebu City, menor de edad, P4M halaga ng shabu, Police Drug Enforcement Group Visayas, social welfare office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.