Bureau of Immigration kakasuhan ang netizen na si Xian Gaza
Plano ng Bureau of Immigration na kasuhan ang netizen na si Xian gaza kasunod ng post nito ukol sa umanoy paglabas niya ng bansa kahit mayroon itong 3 warrant of arrest.
Ayon kay Immigration Dana Sandoval, maituturing na security risk si Gaza kaya pwede itong gawan ng aksyon ng ahensya.
Una nang nilinaw ng BI na peke ang Facebook post ni Gaza.
Ipinagyabang nito kung paano siya nakalusot sa mga tauhan sa airport kabilang sa Immigration noong nakalabas umano ito ng bansa noong September 30, 2018.
Pasamantalang laya lamang si Gaza matapos itong magpiyansa para sa paglabag sa Anti-Bouncing Checks Law.
Matatandaan na nakilala si Gaza noong 2017 nang yayain nito ng coffee date ang aktres na si Erich Gonzales na idinaan nito sa isang billboard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.