PCG, tiniyak na malayang maglayag ang mga mangingisdang Pinoy sa Pag-asa Island

By Angellic Jordan April 08, 2019 - 08:18 PM

Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na malayang makakapaglayag ang mga Filipinong mangingisda malapit sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng mga kumakalat na ulat na hindi pinapayagang makapaglayag ang mga Pinoy na mangingisda sa naturang isla.

Sa media briefing, sinabi ni PCG Commandant Admiral Elson Hermogino, walang bawal mangisda sa isla.

Wala rin aniyang natatanggap na official report ng pang-haharass sa mga Pinoy na mangingisda sa lugar.

Kamakailan, nasa 600 na Chinese vessel ang sinasabing nag-iikot sa Pag-asa Island simula pa noong buwan ng Enero.

Kasunod nito, sinabi ni Hermogino na nag-deploy ng mga vessel at maritime assets ng PCG para matutukan ang galaw sa bisinidad ng Pag-asa Island.

Alam aniya ng PCG ang presensya at mga aktibidad ng Chinese vessels sa pinag-aagawang teritoryo.

Dagdag pa nito, nagpapadala aniya sila ng ulat sa National Task Force sa West Philippine Sea para gumawa ng aksyon ukol dito.

TAGS: Pag-Asa Island, PCG, PCG Commandant Admiral Elson Hermogino, Pag-Asa Island, PCG, PCG Commandant Admiral Elson Hermogino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.