Bilang ng mga accredited establishment sa Boracay, nasa 339 na – DOT

By Angellic Jordan April 08, 2019 - 07:52 PM

Aabot na sa 339 na accommodation establishments ang pinayagan ng gobyerno na makapag-operate sa Boracay Island.

Sa Facebook, sa datos hanggang April 8, 2019, sinabi ng Department of Tourism (DOT) na nasa kabuuang 12,083 na room ang maaaring i-book ng mga bakasyunista na nais bumisita sa kilalang tourist destination.

Kabilang sa mga establisimyento ang Fairways and Blue Water Resort at Savoy Hotel Boracay sa Barangay Yapak na may pinakamaraming bilang ng kwarto sa isla.

Kinakailangang magkaroon muna ng permit at clearance mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga establisimyento bago makapag-operate sa Boracay.

Matatandaang muling binuksan sa mga turista ang Boracay matapos ang anim na buwang pagsasara sa isinagawang rehabilitasyon.

TAGS: boracay, DENR, DILG, dot, boracay, DENR, DILG, dot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.